-- Advertisements --
Negros Oriental Capitol

Sinimulan na ng COMELEC kaninang 8AM ng umaga ang pagtanggap ng kandidatura ng mga indibidwal na nagnanais tumakbo bilang mga kongresista sa ikatlong distrito ng Negros Oriental.

Ito ay bahagi pa rin ng nalalapit na special elections na isasagawa sa Disyembre-9.

Ang filing of certificate of candidacy ay magtatagal hanggang sa Nobiembre-8 kung saan isasagawa ito sa Provincial Capitol Area sa Daro, Dumaguete City sa probinsya ng Negros Oriental, bilang itinatakda sa Resolution No. 10945.

8AM hanggang 5PM naman ang nakatakdang oras para sa pagtanggap ng COC.

Una nang nag-adopt ng resolusyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na humihimok sa COMELEC na magsagawa ng special elections para mapunan ang posisyon na binakante ni dating Arnulfo Teves Jr na unang pinatalsik sa pwesto.

Si Teves ang isinasangkot sa pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo noong buwan ng Marso, 2023.

Samantala, ang electioin period, kasama ang gun ban, ay magsisimula sa Nobiembre 9 at magtatagal ito ng hanggang Disyembre-24.

Magsisimula naman ang campaign period sa Nobiembre 9 hanggang Disyembre-7.

Habang ang mismong araw ng halalan ay gaganapin sa Disyembre-9 mula 7am hanggang 3pm.