-- Advertisements --

Tatlong anggulo ang tinitignan ng militar sa likod ng nangyaraing pagpapasabog sa isang covered court sa Datu Piang Maguindanao nitong nakalipas na Sabado, pasado alas-3:00 ng hapon na ikinasugat ng walong katao.

Ayon kay Phil. Army 6th Infantry Division spokesperson Lt. Col. John Paul Baldomar, isang improvised explosive device (IED) ang sumabog.

Sinabi ni Baldomar, dahil sa signature ng bomba na kalimitang gamit at gawa sa Central Mindanao, ang una nilang kinokonsiderang posibilidad ay ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) o Dawla Islamiya ang nasa likod ng pagpapasabog para ma-divert ang atensyon ng militar mula sa mga operasyon laban sa kanila.

Pangalawang posibilidad aniya ay personal na pag-atake dahil bago ang insidente ay nakatanggap umano ng banta ang grupo ng LGBT na may aktibidad sa covered court noong panahong yon.

Pangatlo aniyang posibilidad ay may kinalaman sa politika dahil dati na aniyang “hotspot” ang datu Piang.

Nakikipagtulungan na ang militar sa PNP sa pagtukoy at pagtugis sa mga responsable sa insidente.