-- Advertisements --

Inaasahan na tatlo hanggang limang tropical cyclones ang maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility mula ngayong buwan ng Oktubre hanggang sa Marso sa susunod na taon, ayon sa weather state bureau.

Sa huling tala ng PAGASA, makararanas ang buwan ng Oktubre ng isa hanggang dalawang beses na bagyo, habang isa hanggang dalawang beses naman sa buwan ng Nobyembre. Sa buwan naman ng Disyembre, isa hanggang dalawang bagyo ang papasok sa PAR. Habang may maliit naman na tyansa na pumasok ang tropical cyclones sa Pilipinas sa mga buwan ng Pebrero hanggang Marso.

Matatandaan na ang huling tropical storm na pumasok sa Philippine Area of Responsibility ay tinawag na Tropical Storm Queenie na may international name na Surigae noong September 24, 2026.

Ayon naman sa weather bureau asahan na ang maliit na tyansa ng mga pag-ulan sa huling bahagi ng 2026 hanggang sa pagsisimula ng taong 2027 dahil sa matinding dry spell o El Niño sa bansa.

Asahan din na makararanas ang Pilipinas ng below-normal rainfall dahil sa matinding tagtuyot. Nilinaw naman ng state weather na kahit may banta ng El Niño phenomenon maaari pa ring magkaroon ng ulan at mga bagyo. Dagdag pa ng kagawaran na hindi nito ginagarantiyang magiging tuyo o walang bagyo ang buong panahon sa bansa.

Top