-- Advertisements --

brp2

Dumating na sa bansa ang pangalawang brandnew missile frigate ng Philippine Navy mula South Korea.


Ginawaran ng welcome ceremony ng Philippine navy ang nasabing warship habang nilalakbay nito ang karagatan ng Pilipinas sa vicinity ng Capones Island sa Zambales ngayong araw February 9,2021.


Pinangunahan ng sister ship nito ang BRP Jose Rizal (FF150) ang kauna-unahang maneuvering exercises ng dalawang bagong warship na sinaksihan ng AW-109 naval helicopter sa pamamagitan ng pagkuha ng laraan na tinawag na photo exercise na siyang itinuturing namang historical ng Phil Navy at sa buong Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

brp3


Ayon kay Philippine Navy spokesperson Commander Benjo Negranza, ang isinagawang maritime tradition ay isang pagkilala sa pagdating ng FF151 sa territorial waters ng bansa at para ma maximize na rin ang training and systems familiarization opportunities ng bawat crew bilang paghahanda sa kanilang independent ship operation.


Mananatili muna sa Subic,Zambales ang Frigate na si Antonio Luna kung saan sasailalim muna sa mandatory quarantine period ang crew ng barko at ilang personnel mula sa Hyundai Heavy Industries.


Sinabi ni Negranza pagkatapos ng quarantine period at negatibo ang lahat ng crew sa covid-19 magkakaroon na ng simpleng arrival honors para sa brandnew missile frigate.


Sa sandaling ma commissioned na ang pangalawang fast-frigate papangalanan itong BRP Antonio Luna (FF151).


Sa pagdating ng Frigate Antonio Luna, kumpleto na ang Frigate Acquisition Project ng Philippine Navy.


Una ng sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na lalo pang lalakas ang sea lift capabality ng Armed Forces of the Philippines sa pagdating ng pangalawang brandnew missile-frigate.