Tinatayang aabot sa 80-100k katao ang bibiyahe ngayong undas, kung kaya’t pinaghahandaan na ito ng Davao City Overland Transport terminal (DCOTT).
Iginarantiya ni DCOTT manager Aisa Yusop, ang mahigpit na seguridad na ipapatupad sa terminal upang masegurong ligtas ang mga bibiyaheng dabawenyo. Lalo pa’t nakasanayan ng uuwi sa kani kanilang mga probinsya ang mga ito upang bumisita sa puntod ng mga sumakabilang buhay na kamag-anak. Maliban pa diyan ay inaasahan din ang dami ng turista dahil sa long holidays.
Una ng sinabi ni Yusop na aabot sa isang daang libo na pasahero ang dadagsa sa Terminal kung kaya’t aabot nalang sa mahigit dalawang libo na bus unit ang bibiyahe kada araw.
Paalala naman ng opisyal na iwasan ang pagbibit ng mga matatalas na bagay, bawal din ang pagdala ng endangered na mga pananim at hayop at ang illegal na mga droga. Maliban sa Task force Davao personnel ay magtatalaga din ng police personnel sa lugar para sa police visibility at magiging police help desk sa mga bibiyahe.