-- Advertisements --

Nasa 29 migrants ang nasawi dahil sa paglubog ng sinakyan nilang dalawang bangka sa karagatan ng Tunisia.

Sinubukan kasi nilang tumawid sa Mediterranean para makarating sa Italy.

Ilang oras lamang ang pagitan ng dalawang bangka ng mangyari ang aksidente.

Naganap ang insidente ilang araw matapos maghigpit ang Tunisia laban sa mga undocumented African migrants.

Itinturing kasi na hub ng mga migrants ang Tunisia na nagnanais na makatawid sa Europa.