-- Advertisements --

Tinanggal na mula sa listahan ng iniimbestugahan ng Department of Justice ang nasa 29 na kaso ng extrajudicial killings (EJK) at torture dahil sa kawalan ng testigo.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra na mayroong lumang mga kaso na walang mga witnesses sa kabila ng masinsinang pagiimbestiga ng kanilang special investigation team at marami din aniyang kaso kung saan ang mga complainants ang hindi na nagtuloy na maghabla ng kaso.

Ayon kay Guevarra, ang oldest case na kanilang hinawakan ay noon pang 2002.

Karamihan sa mga kaso ay hinawakan ng binuong inter-agency Committee on Extra-Legal killings, enforced Disappearances, Torture, and Other Grave Violations of the Right to Life, Liberty and Security of Persons (IAC) sa ilalim ng Administrative Order No. 35.

Sianbi din ni Guevarra na inimbestigahan din ang naturang mga kaso ng inter-agency special composite teams mula sa Department of National Dfense, Armed Forces of the Philippines , DILG, PNP NBI at Commission on Human Rights.

Sa kasalukuyan, mayroong 352 kaso may kinalaman sa anti-drug operations ng PNP mula noong 2016 ang nareview na ng DOJ.

Noong October 2021, inilabas ng ahensiya ang review nito sa 52 war on drugs cases na nagpapakita na ilan sa mga napatay na suspek matapos umano na barili ng police officers ay negatibo sa gunpowder nitrates.

Samantala ang pagpapalabas naman ng resulta ng review ng DOJ sa nalalabing kaso ay inaantay pa ang approval dito ni outgoing President Duterte.