-- Advertisements --

Patay ang 27 minero matapos ang naganap na sunog sa minahan sa Lima, Peru.

Naganap ang insidente sa Arequipa region kung saan isa sa tinitignan nilang dahilan ay ang pagkakaroon ng short-circuit.

Ang nasabing minahan ay pag-aari ng Yanaquihua na isang small-scale na kumpanya.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing pagsabog ng minahan.