-- Advertisements --

Pumalo sa 2,605 ang napaulat na bagong COVID-19 cases sa bansa, na mayroon nang kabuuang bilang sa ngayon na 2,803,213.

Ayon sa Department of Health (DOH) hindi pa kasama sa total caseload na ito ang datos mula sa dalawang laboratoryo.

Sinabi ng kagawaran na dahil na naitalag bagong bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, mayroon na sa ngayong 33,526 na aktibong kaso sa bansa.

Sa naturang bilang 66 percent ang mild, 5.7 percent ang asymptomatid, 9 percent ang severe, at 3.8 percent naman ang nasa critical condition.

Umakyat naman ang total recoveries sa 2,725,257 makalipas na 3,901 pang pasyente ang gumaling sa sakit.

Samantala, ang death toll naman ay pumalo na sa 44,430 dahil sa 191 na bagong namatay.