-- Advertisements --

LAOAG CITY – Maraming bala ng baril at umano’y shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa isinagawang search warrant operation sa Barangay Balatong dito sa lungsod ng Laoag.

Nakilala ang subject ng operasyon na si Darwin Ventura y Fuera, alyas Dalpog, 40-anyos, may asawa at residente sa nasabing barangay.

Ang warrant of arrest ay inilabas ng Regional Trial Court (RTC) First Judicial Region sa probinsya ngLa Union dahil sa paglabag sa RA 9165 no Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.

Sa operasyon, nakuha ng mga otoridad sa kwarto ni Ventura ang plastic bag na naglalaman di umano ng shabu, dalawang open plastic sachet at drug paraphernalia, at isang kahon na naglalaman naman ng 26 na bala ng caliber 45 na baril.

Nabatid na si Ventura ay naaresto na noong 2015 sa isinagawang drug buy-bust operation dito rin sa lungsod ngunit nakalabas noong 2019 sa pamamagitan ng plea bargaining.

Maliban dito, napag-alaman na si Ventura ay ikonkonsiderang High Value Individual at nasaRegional Top List na Drug Personality a kasali umano sa isang drug group na nag-oopera dito sa lalawigan.

Samantala, inakusahan ni Ventura ang mga pulis dahil mayroon umanong pulis na unang pumasok sa kanilang bahay bago pa ang pormal na operasyon.