-- Advertisements --
Patay ang nasa 25 katao matapos ang pagsabog ng pagawaan ng paputok sa India.
Sa insidente rin ay mayroong apat na katao ang nagtamo ng matinding sugat sa Tamil Nadu ang southern Indian state.
Naganap ito sa Vanaja Fireworks Industry kung saan ito ay dapat sarado na subalit mayroong 50 mga mangagawa ang nasa loob pa.
Nahirapan din ng bahagya ang mga rescuers dahil sa may mga sumasabog pang paputok habang sila ay nasa loob.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing pagsabog.
















