Narescue ng mga otoridad ang nasa 25 na mga indibidwal kabilang ang apat na menor de edad sa ikinasang operasyon kaninang madaling araw Huwebes Santo sa Paranaque City.
Arestado naman sa nasabing operasyon ang tatlong Chinese suspects.
Ayon kay Southern Police District Director BGen. Jimili Macaraeg ang nasabing operasyon ay nagmula sa isang reklamo na isinampa ng isang Anne Zabate na umano’y may nangyayaring prostitusyon sa may bahagi ng Bayport West, Tower 5, Barangay Tambo, Paranaque City.
Dahilan para agad magkasa ng operasyon ang Paranaque City Police sa pangunguna ng Women and Child Protection Desk kasama ang mga tanods ng barangay.
Mismong ang biktima ang nagturo sa mga kwarto kung saan nangyayari ang prostitusyon.
Nahuli sa akto ng mga otoridad ang suspek at mga biktima na nagsasagawa ng malalaswang sexual acts habang naka live feed sa harap ng cellphone.
Ang apat na minors ay may edad na 17 at 16 years old.
Kinilala naman ni BGen. Jimili ang mga naarestong suspek na sina Zhang Chao De, Li Lin Chuan, Li Reng Rin pawang mga Chinese nationals.
May mga Pinoy din na kasabwat ang mga Chinese na nahuli din at nakilalang sina Lily Morer De Jose, Abegail Macahidhid at Ma Liza Miguel.
Narekober mula sa luga ang nasa 10 sex toys, 11 sex vibrator, 80 soft gel sex enhancer capsules, 20 table Maxman sex enhancer, dalawang iphone, isang Macbook. TP link wireless router at iba pa.
Kasalukuyang nasa kustodiya ngayon ng Paranaque police ang mga suspeks habang hinahanda ang kasong isasampa laban sa mga ito.
Binigyang-diin ni BGen. Jimili na walang puwang ang mga ganitong krimen na nanamantala sa ating mga kababayan at sumisira sa kanilang dignidad.
Umapela naman ang PNP sa ating mga kababayan kung may mga impormasyon hinggil sa mga ganitong aktibidad ay agad ipaalam sa pulisya.