-- Advertisements --

Mahigit 25.7 million katao na sa bansa ang fully vaccinated na kontra COVID-19, ayon sa Malacañang.

Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na hanggang noong Oktubre 24, kabuuang 25,711,980 indibidwal ang fully vaccinated na kontra COVID-19.

Kabuuang 55,715,693 doses naman ng COVID-19 vaccines na sa ngayon ang naituturok sa buong bansa, kabilang na ang 30,003,713 na first dose.

Sa Metro Manila, sinabi ni Roque na 17,621,460 doses na ang naituturok, kung saan 8,331,665 dito ang second dose.

Ibig sabihin, 85.22 percent ng mga residente sa Metro Manila ang fully vaccinated na kontra COVID-19.