-- Advertisements --
nea 400x250 1

Ipinag-utos na ng pamunuan ng National Electrification Administration (NEA) ang activation sa 24-hour power situation monitoring system nito para matiyak ang matatag na daloy ng kuryente sa mismong araw ng halalan.

Ito ay kasabay ng pag-alerto ng NEA sa lahat ng 121 electric cooperative sa buong Pilipinas, bilang paghahanda sa nalalapit na BSKE 2023.

Ayon kay NEA Antonio Mariano Almeda, pinapatiyak na nila sa lahat ng mga electric cooperative na may sapat na supply ng kuryento pagsapit ng halalan.

Maliban dito, dapat din aniyang matapos na ang lahat ng mga maintenance activities sa mga critival network at iba iba pang assets nito.

Una na rin aniyang inatasan ang mga kooperatiba na bisitahin ang mga presinto at magsagawa ng mga inspeksyon, bago pa man ang halalan.

Una rito, binuo aniya ang ‘Power Task Force Election 2023’ na kinabibilangan ng ibat ibang sub unit katulad ng Engineering Department, Disaster Risk Reduction and Management Department, Total Electrification and Renewable Energy Development Department, Human Resources and Administration Department, Corporate Communications and Social Marketing Office, Information Technology at Communication Services Department, at Finance Services Department.

Ang naturang task force ang tututok sa buong halalan hanggang sa matapos ang proklamasyon ng lahat ng mga kandidato.