-- Advertisements --
CAUAYAN CITY- Umabot na sa 23 ang Firework-Related Injury sa buong Region 2
Ito ay matapos sampung karagdagang kaso ng pinsalang nauugnay sa paputok mula 6:00 AM ng December 31, 2022 hanggang 5:59 AM ng January 1, 2023.
Ang pinagsama-samang bilang ng mga kaso para sa 2022 ay umabot na sa 23 kaso na 32% na mas mababa kaysa noong 2021 na may 34 na kaso.
Karamihan sa mga biktima ay lalaki na edad isa hanggang 43 anyos taong gulang
Batay sa fireworks related injury surveillance 2022 ng DOH Region 2 ang lalawigan ng Cagayan ang nagtala ng pinakamaraming fire related injuries.
Sampo sa mga biktima ay nagtamo ng eye injury at 30% ng fire related injuries ay dahil sa boga at kwitis.