-- Advertisements --

Ginulat ng world no. 135 na si Fábián Marozsán ang mundo ng tennis ng talunin si Carlos Alcaraz sa Rome Masters.

Nakuha ng 23-anyos na Hungarian ang panalo sa score na 6-3, 7-6(4) para makaabot sa ikaapat na round ng torneo.

Ipinaranas nito sa 20-anyos na Spaniard player ang kaniyang mga drop shots at deep ground strokes na nagresulta sa kaniyang tagumpay.

Sinabi nito na hindi siya makapaniwala sa panalo at itinuturing nito na pagtupad ng kaniyang panaginip na talunin ang isa sa magaling na manlalaro.