Kabuuang 22 Pinoy ang nakarating na sa bansa mula Afghanistan matapos nagdesisyong lisanin ang naturang bansa dahil sa pag-take over na ng Taliban.
Lulan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) ng Philippine Airlines (PAL) na dumating dakong alas-11:00 ng umaga.
Kabilang ang mga Pinoy sa daan-daang Pinoy na na-evacuate gamit ang British military airlift mission mula Kabul papuntang London.
Ito na ang final stretch ng kanilang biyahe pabalik sa kanilang mga pamilya matapos makalabas sa Afghanistan.
Nagtatrabaho ang mga OFWs sa mga hotel, petroleum manufacturing at security sa naturang bansa.
Una nang naglabas ng direktiba ang pamahalaan para i-ban ang pagpunta ng mga Pinoy sa naturang bansa dahil pa rin sa tensiyon sa Islamic Country.
Sa isang board resolution, ipinag-utos na ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang total deployment ban sa Afghanistan.
Ang pagpapatupad ng POEA ng deployment ban ay para siguruhin ang proteksiyon at kapakanan ng mga OFWs.