-- Advertisements --
image 24

Ibinunyag ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na nasa 21,000 Wagner mercenaries ang napatay sa pakikipagbakbakan sa Ukraine.

Sinabi pa ni Zelensky na malaki ang nawala sa private military company partikular na sa silangang bahagi ng Ukraine kung saan nakikipaglaban ang pinakamakapangyarihang grupo.

Habang nasa 80,000 na wagner fighters naman ang nasugatan.

Inihayag din ni Zelensky na ang rebelyon ng Wagner leader na si Yevgeny Prigozhin ay nakaapekto ng malaki sa kapangyarihan ng Russia sa battlefied at maaaring magbenepisyo dito ang counteroffensive ng Ukraine.

Kailangan din aniya na samantalahin ang sitwasyon para itaboy ang kalaban mula sa kanilang lupain.

Natatalo na rin aniya ang Russia at wala ng panalo sa giyera nito sa Ukraine na nagsimula ng maghanap ng masisisi sa kabiguan nito.