-- Advertisements --
20200914 180336

Papalo sa 21 tonelada o 21,000 kilograms ng mga hindi ligtas na produkto at kagamitan ang sinira ng Bureau of Customs-Port of NAIA (BoC-NAIA) sa Trece Martires, Cavite.

Kabilang dito ang vape products na inimport nang walang kaukulang permit mula sa Food and Drugs Administration (FDA).

Ang nuturang produkto ay ginagamit para sa pagsinghot ng vapor na nililikha ng electronic cigarette o iba pang vaping devises.

Ang naturang mga e-cigarettes ay battery-powered smoking devices at mayroong cartridges na puno ng liquid na kadalasan ay naglalaman ng nicotine, flavorings at chemicals.

At dahil na rin sa panganib na dulot ng mga produkto ay mahigpit itong inire-regulate ng FDA habang ang importation ng mga hindi rehistradong produkto ay ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act No. 11467.

Kasabay nito, sinira rin ng BoC-NAIA ang mga expired nang food supplies, dietary supplements, medicines, medical kits at devices, glutathione products na inimport na walang FDA permit.

Mapanganib raw ang mga kontrabando sa kalusugan kapag hindi maayos ang pagkaka-dispose.

Ang mga sinira naman noong Setyembre 9 ay pagkain ng mga alagang hayop, semento, electrical items, bumbilya at mga baterya na walang kaukulang clerance mula sa Department of Agriculture (DA), Bureau of Animal Industry (BAI) at Bureau of Product Standards (BPS).

Ang patuloy na pagsira sa mga overstaying at hazardous goods ay dahil na rin sa mahigpit na direktiba ni Customs Commissioner Rey Leonard B. Guerrero na kailangang gumawa ng inspection sa mga abandonado at overstaying cargoes para sa agarang disposal at para maiwasang makapasok ang ano mang illegal goods.

Siniguro naman ni District Collector Carmelita M. Talusan na tuloy-tuloy ang pag-check ng BoC-NAIA sa mga hindi ligtas at hazardous goods na dumarating dito sa bansa na walang kaukulang approval at safety standard clearance.

Sa kalagitnaan naman ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, patuloy namang poprotektahan ng BoC ang mga consumers at ang buong bansa sa pamamagitan ng pinaigting na pagbabantay at border protection.

Siniguro ng BoC na ang mga certified products mula sa regulatory agencies na mayroong kaukulang permits ang papayagan sa mga port of entries.