BUTUAN CITY – Tuluyan nang nakahain sa kanilang courtesy resignation ang 21 na mga police Colonel sa rehiyon sa Caraga bilang pagsunod sa panawagan ni Department of Interior and Local Government o DILG Secretary Benjamin Abalos jr.
Kahapon ng umaga, ginawa ang pagsumite sa kanilang courtesy resignation.
Ayon kay Police Major Jennifer Ometer, Regional Information Officer ng Police Regional Office o PRO-13 na ipinakita sa nasabing mga opisyal ang kanilang sensiridad at walang takot sa pagtalima sa panawagan.
Una nang nakasumite sa kaniyang resignation ang nagiisang heneral sa Caraga na si Police Regional Office-13 Director Brigadier Gen Pablo Labra II.
Ayon kay Regional Director Labra, ang pagsunod sa panawagan, pagpakita lamang nila sa kawalang takot na humaharap sa mga hamon sa panunungkulan.
Naniniwala ito na ang nasabing mga hakbang ay makatulong upang matapos na ang mga pagdududa o akusasyon na ibinato sa hanay ng Philippine National Police lalo na sa isyu sa illegal na droga.