BOMBO DAGUPAN – Pagkasawi sa pag-ibig.
Ito ang nakalap na rason ng mga otoridad sa likod ng pagpapatiwakal ng isang 21-anyos na lalaki sa Brgy. Asin, sa bayan ng Bayambang.
Ayon kay PMAJ. Christopher Nisperos, ang Deputy Chief of Police ng Bayambang Police Station, kinilala ang biktimang si Julius De Vera, single, isang line man, at residente ng naturang lugar.
Agad aniyang rumesponde ang kanilang himpilan at base sa nakalap na inisyal na imbestigasyon, kinagabihan umano, nakipag-inuman pa ang biktima kasama ang kaniyang mga kaibigan sa isang birthday celebration at nakwento umano nitong masakit sa kaniyang loob na iniwan siya ng kaniyang kasintahan upang magpunta sa abroad.
Bukod dito ay dumanas din umano ang biktima ng depresyon.
Natagpuan na lamang ng ama ng biktima na nakabitin na ito sa kanilang bahay gamit ang extension wire na nakapulupot sa kaniyang leeg.
Sinubukan pang dalhin ang labi sa ospital ngunit hindi na nagawa pang maisalba ang kaniyang buhay.