-- Advertisements --

Nasa Pilipinas ngayon si Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel.

Sinalubong siya ng kaniyang Pinoy na ama na si Remigo Banzon Gabriel at American ina na si Dana Walker na nauna ng umuwi sa Pilipinas.

Magiging isa sa hurado kasi ang beauty queen sa 2023 Miss Universe Philippines na gaganapin sa araw ng Sabado.

Nakuha ni Gabriel ang korona noong 71st Miss Universe na ginanap sa New Orleans noong Enero 14, 2023.