-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Dead on arrival ang suspek sa General Santos City bombing noong 2018 matapos umanong manlaban sa mga pulis sa isinagawang operasyon sa bahay nito sa Purok 2, Barangay Lapu, Polomolok, South Cotabato.
Kinilala ang nasawi na si Ben Usman alyas Tons Usman na pinaniniwalaang miyembro ng Ansar-al Kahlifa na itinuturong nasa likod ng mga bombing incident sa rehiyon.
Base sa imbestigasyon, nanlaban ang suspek sa mga otoridad nang matunugan nito na papasukin ang kanyang tahanan.
Dinala pa sa malapit na ospital ang suspek ngunit ito ay ideineklarang dead on arrival ng attending physician.
Nakuha sa suspek ang ginamit nitong baril at flag na pinaghihinalaang simbolo ng grupong Islamic State of Iraq and Syria.