-- Advertisements --

Nasa kabuuang 200 rekomendasyon ang tinanggap ng Pilipinas mula sa mga miyembro ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) para muling busisiin ang pagpapatupad ng karapatang pantao sa bansa ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla

Aniya nasa kabuuang 289 rekomendasyon ang nilalaman ng report sa Pilipinas subalit ang nalalabi na 89 ay isusumite sa UNHRC sa takdang panahon.

Iginiit ni Remulla na ang pagtataguyod at proteksiyon ng karapatang pantao ay isang taimtim na paninindigan sa konstitusyon at constant endeavor na hindi kailanman dapat na baliwalain ng bansa.

Kabilang sa mga tinanggap na rekomendasyon ay sa UN Joint Program, Philippine Commission on Human Rights na isang National Human Rights Action Plan, paglaban sa discrimination at gender-based violence, pagpapanatili ng moratorium sa death penalty, pagtigil ng extra-judicial killings, pagsasagwa ng independent investigations, pag-decongest sa mga piitan, pagpapalawig sa access para sa hustisya sa bansa, pagprotekta sa kaparatang pantao ng mga abogado at mamamahayag, pagtataguyod ng karapatan sa edukasyon, kalusugan at angkop na standard na pamumuhay, pagtataguyod ng karapatan ng mga persons with disabilities, katutubong indibdiwal, kababaihan, mga bata, refugees at stateless persons.

Ginawa ng Justice Secretary ang naturang pahayag sa idinaos na ika-41 session ng Universal Periodic Review (UPR) kung saan inassess ng UN member states ang human rights records at para matugunan kung mayroon mang mga paglabag at pang-aabuso sa karapatang pantao.