-- Advertisements --
KALIBO, Aklan—Nasa 200 pamilya ang pansamantalang inilikas ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa kasagsagan ng pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng bagyong Agaton sa bayan ng New Washington, Aklan.
Ayon kay Emmanuel Andrade ng MDRRMO-New Washington, katumbas ito ng halos 600 na indibidwal matapos na tumaas ang tubig-baha sa pabahay ng Barangay Jugas kung saan ang mga ito nakatira.
Samantala, itinuturing na kakaiba ang buhawing lumitaw na sumira sa siyam na kabahayan at isang bangka sa Barangay Ochando sa naturang bayan noong araw ng Lunes.
Kasalukuyan pang nasa evacuation center ang mga apektadong pamilya kung saan, kaagad naman silang tinutulungan ng barangay council.