-- Advertisements --

Pinaalalahan ni Senador Sonny Angara ang mga estudyante na nagpaplanong bumiyahe ngayong holy week na valid pa rin ang 20 percent discounts sa kanilang pamasahe kahit na holiday.

Tiyakin lamang aniya na may dalang student ID bago magbayad sa kahit anong klase ng transportasyon upang makakuha ng diskwento.

Sa ilalim aniya ng Republic Act 11314 o Student Fare Discount Act na kanyang inisponsoran tuloy-tuloy ang 20 percent na discount sa mga mag-aaral sa buong taon kahit holiday at weekends.

May kaukulang multa at parusa naman na ipapataw sa owner o operator ng transport services na hindi magbibigay ng diskwento sa pasahe ng mga estudyante.

Sa mga tsuper ng land Public transportation utilities, isang buwang suspensyon ng driver’s license sa unang paglabag, 2 buwang suspension sa second offense at 3 buwang suspension sa 3rd offense dagdag pa ang isang libong multa sa bawat susunod na paglabag.

Sa mga operator o owner ng sasakyang pandagat, multa na limang libong piso sa unang paglabag, P10 libo sa second offense at P20 libo sa 3rd offense at karagdagan pang P10 libo sa mga susunod na paglabag

Sa mga air public transportation utilities naman ay multa na P50 libo sa unang offense, P100 libo at warning sa second offense at P150 libo na multa at iba pang sanction na idedetermina ng Civil Aeronautics Board para sa 3rd offense at mga susunod pang paglabag