-- Advertisements --
Patay ang dalawang sundalo ng US at isa ang nawawala matapos ang ginawang pag-atake ng Iran sa Jordan.
Sinabi nig US Central Command na ito ang unang pagkakataon kung saan nasawi ang sundalo nila mula ng sumiklab ang giyera nila sa Iran noong Marso.
Sugatan naman ang apat na sundalo ng US at sila ay kasalukuyang nagpapagaling sa isang pagamutan.
Nangyari ang insidente habang ipinagtatanggol nila ang pag-atake ng Iran gamit ang ballistic missiles at drone attacks.
Hindi pa inilabas ng US Central Command ang pangalan ng mga biktima bilang pagrespeto sa mga kaanak ng biktima.
















