CENTRAL MINDANAO-Sugatan ang dalawa katao sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang mga biktima na sina Mohaimen Saipodin at Amer Morad,mga residente ng Buldon Maguindanao.
Ayon sa mga kaanak ng mga biktima, pupuntahan at kukumprontahin lang sana nila ang isang lalake na diumano’y karelasyon ng kanilang kapatid na babae na may asawa sa hangganan ng bayan ng Buldon at Parang Maguindanao.
Ngunit bigla na lamang pinagbabaril ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan ang mga biktima gamit ang mga matataas na uri ng armas.
Agad namang tumakas ang mga suspek patungo sa bayan ng Parang.
Sugatan ang dalawa sa mga biktima na dinala sa pagamutan habang nawawala ang isa nilang kasamahan na patuloy na pinaghahanap.
Sangayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Buldon PNP sa pamamaril sa mga biktima.










