-- Advertisements --
Kinumpirma ng Prison Officers’ Association (POA) ang pagpanaw ng dalawang staff members mula Pentonville Prison sa London matapos magpakita ng sintomas ng coronavirus infectious disease o COVID-19.
Kinilala ang mga ito na sina Bovil Peter at Patrick Beckford, 60, na nagtatrabaho bilang support staff sa naturang kulungan.
Hindi pa umano matukoy ng POA kung kapwa may iniindang sakit ang dalawa bago pa sila tamaan ng nakamamatay na virus.
Nagpaabot naman ng kaniyang simpatya si Chairman Mark Fairhust para sa pamilyang naiwan nina Peter at Beckford.
“Two at the same prison is very concerning,” dagdag pa ni Fairhurst.