-- Advertisements --

Nagsampa ng kaso laban sa immigration services ang dalawang kilalang unibersidad sa US.

Ito ay matapos na kanselahin na ni US President Donald Trump ang visas ng mga foreign students kung saan ililipat na lamang ang kurso nila online.

Ayon sa Harvard at Massachusetts Institute of Technology na magsampa sila ng kaso laban sa Homeland Security and Immigration and Customs Enforcement (ICE).

Tinawag naman ni Harvard President Lawrence Bacow na isang kalabisan na ang pagtanggal ng visas ng mga foreign students.

Dahil kasi sa epekto ng coronavirus sa buong mundo ay maraming mga kolehiyo ang lumipat na sa online teaching para maiwasan ang pagkakahawa.

Binanatan naman ni Trump ang Harvard at sinabing pinupulitika nito ang kaniyang kautusan.