-- Advertisements --
viber image 2021 11 27 22 13 49 298

KORONADAL CITY – Nalapnos ang iba’t-ibang bahagi ng katawan ng dalawang side walk vendors matapos na sumabog isang improvised burner sa bayan ng Arakan, North Cotabato.

Ayon kay Police Lt. Jamer Nawa, deputy chief of police ng Arakan PNP, isang menor de edad at isang ginang na mga residente ng Barangay Doroluman, Arakan, North Cotabato ang mga biktima.

Ayon sa mga ito, habang nagluluto sila ng panindang fried chicken ay bigla na lamang sumabog ang improvised burner nila.

Dahil sa pangyayari, nasugatan ang mga biktima sa iba’t-ibang parte ng kanilang katawan bunsod na rin ng lakas ng pagsabog.

Agad naman silang dinala sa pagamutan at ginagamot na ngayon.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Arakan Municipal Police Station sa naturang pangyayari at dahilan ng pagsabog ng nasabing burner.