-- Advertisements --
Nakaligtas ang 2 katao na lulan ng Cessna aircraft nang nag-crash landing sa may Malolos, Bulacan nitong hapon ng Sabado.
Natukoy ng mga awtoridad ang mga survivor na isang piloto at kaniyang estudyante.
Ayon sa ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ang C152 type aircraft na inooperate ng Fliteline Aviation ay lumipad mula Plaridel patungong Subic at nang pabalik na ito ay nagkaroon ng aberya ang makina ng eroplano.
Bunsod nito, napilitan ang eroplano na mag-emergency landing sa palayan.
Sa ngayon, ipinakalat na ang Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board sa lugar para imbestigahan ang insidente.