-- Advertisements --
NAGA CITY – Sugatan ang dalawang pulis sa Camarines Sur matapos masangkot sa aksidente sa Brgy. Taisan, Sipocot.
Kinilala ang biktima na sina police Cpl. Bobby Alvarez at police Cpl. Dean Sto. Domingo.
Batay sa ulat ng Camarines Sur Police Provincial Police Office, sakay ng motorsiklo ang dalawa para mangasiwa sa daloy ng trapiko sa lugar nang tumumba ito sa madulas na bahagi ng kalsada.
Agad naisugod sa ospital ang dalawa na nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.