Dalawang Pilipino ang mapapabilang sa unang grupo ng mga dayuhan na papayagang lumabas ng Gaza.
Kinumpirma ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega at idinagdag na ang mga Pilipino ay nagtatrabaho sa international humanitarian organization Doctors without Borders.
Idinagdag niya na ang pagtawid ay inaasahang mangyayari sa anumang oras.
Sinabi ni de Vega na ang mga pinapayagang tumawid ay magpapatuloy sa Egypt kung saan sila ay ipoproseso ng mga awtoridad para makapasok.
Idinagdag niya na ang Pilipinas ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa Israel upang unahin ang mga Pilipino sa mga nasyonalidad na unang papayagang makalabas.
Matatandaan na ang Alert Level 4 ay itinaas ng DFA sa Gaza noong Oktubre 15, ibig sabihin ay mandatory na ang pagpapauwi ng mga Pilipino.
Sa ngayon, nasa kabuuang 123 Pilipino mula sa Israel ang naiuwi na sa gitna ng patuloy na labanan sa ISrael at Hamas.