-- Advertisements --
Patay ang dalawang katao habang marami ang nasagutan sa naganap na pamamaril sa Red River, New Mexico.
Sinabi ni Red River Mayor Linda Calhoun, nangyari ang insidente sa isang motorcycle rally kung saan nasa anim na katao ang sugatan.
Agad naman na naaresto ng mga kapulisan ang mga sangkot sa pamamaril.
Dinala na rin sa pagamutan ang mga sugatang biktima.
Base sa inisyal na imbestigasyon na isinasagawa ang Red River Memorial Day Motorcycle Rally kung saan ilang libong katao ang dumadalo ng maganap ang pamamaril.
Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng nasabing pamamaril.