Dalawang (2) tao ang nasawi matapos bumagsak ang isang construction crane sa isang highway sa Samut Sakhon, suburb ng Bangkok, isang araw lamang matapos ang isa pang aksidente ng crane sa hilagang-silangan ng Thailand na ikinasawi ng 32 katao.
Makikita sa mga kuha mula sa lugar ng aksidente na bumagsak ang crane sa highway, na siyang dumagan sa ilang sasakyan gayundin ang nagtalsikang debris sa paligid.
Noong nakaraang araw, isang crane naman sa Nakhon Ratchasima ang bumagsak sa isang umaandar na tren, na nagdulot ng higit 60 katao sugatan.
Parehong pinamamahalaan ng Italian-Thai Development, isa sa pinakamalalaking construction companies sa Thailand, ang parehong proyekto.
Napag-alaman na sa nakaraang pitong (7) taon, tinatayang 150 katao na ang nasawi sa aksidente sa isang road improvement project mula Bangkok hanggang sa katimugan ng bansa.
Sinabi naman ni Thai Prime Minister Anutin Char nvirakul na tututukan ng mga awtoridad ang uamno’y kapabayaan sa konstruksyon kasunod ng aksidente noong Miyerkules.
Inanunsyo rin ng State Railway of Thailand ang planong pagsasampa ng kaso laban sa Italian-Thai Development.
Ang kumpanya rin ang responsable sa isang skyscraper sa Bangkok na bumagsak noong nakaraang Marso dahil sa lindol, na siyang tanging gusali sa lungsod na bumagsak sa naturang insidente.









