-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Dalawa ang nasawi at isa ang nakatakas sa inilunsad na anti-drug operation sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang mga nasawi na sina Sindatuk Pendaliday at Norhamin Pandaliday habang nakatakas naman si Abdullah Pendaliday.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Arnold Santiago na nagsagawa ng anti-drug operation ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-BARMM) katuwang ang 40th Infantry Battalion Philippine Army at Datu Paglas MPS sa Barrio 5 Brgy Malala Datu Paglas Maguindanao.

Paparating pa lamang ang raiding team ay agad nang nagpaputok ang mga suspek kaya gumanti ang mga otoridad.

Dalawa ang nasawi sa mga suspek habang isa naman ang nakatakas.

Narekober sa loob ng bahay kung saan nagtatago ang mga suspek ang isang M16 Armalite rifle, mga pakete ng shabu, isang M14 rifle ,mga bala,mga magazine, dalawang motorsiklo, pera at mga drug paraphernalia.

Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang isa sa mga suspek na nakatakas sa anti-drug operation.