-- Advertisements --
Patay ang dalawang katao matapos na mahulog mula sa flyover at bumagsak sa riles ng MRT-3 sa pagitan ng Magallanes, Makati at Taft, Pasay stations nitong Linggo ng gabi.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, lulan ng motorsiklo ang dalawa kung saan sa sobrang bilis umano ng kanilang pagpapatakbo ay nawalan sila ng kontrol at bumagsak ang mga ito riles ng MRT-3 dakong alas-6:37 ng gabi.
Dahil sa pangyayari, pansamantalang natigil ang operasyon ng MRT-3 ng ilang oras.
Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang mga otoridad sa nangyaring insidente.