Patuloy parin pinaghahanap ang suspek sa pamamaril sa Brown University na nagbunga sa pagkasawi ng 2 dalawang biktima at 8 pang sugatan.
Ayon sa inisyal na report ng Providence Police Department, nangyari ang pamamaril bandang alas-4 ng hapon malapit sa Barus at Holley
building ng unibersidad, kung saan nagaganap umano ang iba’t-ibang pagsusulit sa oras na nangyari ang insidente.
Sa kasalukuyan ay patuloy ang isinasagwang malawakang pagtugis sa suspek na wala pang pagkakakilanlan at hindi pa malaman kung paano ito naka pasok sa skwelahan, ayon sa isang witness huli itong namataan na naka itim ang buong kasuotan at pinaniniwalaang hindi pa nakakalayo sa lugar na pinanyarihan ng pamamaril.
Kaugnay nito, nakasailalim ang buong campus sa total lockdown hangga’t hindi pa nahuhuli ang gunman, pinayuhan din ang mga studyante na panatilihin naka sarado ang mga pinto ng kanilang mga kwart at ipinagbawal ang pansamantalang pag-iikot sa campus ng nasabing unibersidad.
Samantala, patuloy naman ang pagbibigay ng medikal na atensyon sa iba pang sugatan na biktima na patuloy nagpapagaling sa Rhode Island Hospital.










