-- Advertisements --

Patay ang dalawang katao habang sugatan ang tatlong iba pa sa naganap na pamamaril sa Chester Pennsylvania.

Naaresto rin ng mga kapulisan ang suspek kung saan naganap ang insidente sa Delaware County Linen.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na nagkaroon ng personal na alitan ang suspek at mga biktima.

Dumating na lamang ang suspek sa pinagtatrabahuan at doon pinagbabaril ang mga biktima.

Dinala naman sa pagamutan ang mga sugatang biktima.