-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Patay ang dalawang motorista at dalawa ang sugatan sa vehicular accident sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang mga nasawi na sakay ng single motorcycle na sina Abubakar Sema at Alin Sema na mga residente ng Barangay Pinguiman Lambayong, Sultan Kudarat.

Sugatan naman ang sakay ng topdown motorcycle na sina Condrado Bornales at Nenita Bornales.

Ayon sa ulat ng pulisya, matulin umano ang takbo ng dalawang motorsiklo at nagbanggaan sa bahagi ng Barangay Tinumigues sa bayan ng Lambayong.

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang dalawa sa mga biktima at ang mag-asawa ay nagpapagaling.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Lambayong PNP sa naturang pangyayari.