-- Advertisements --

Patay ang dalawang katao habang sugatan ang 11 iba pa ng lusubin ng mga militant groups ang police headquarters sa Karachi, sa south Pakistan.

Hindi bababa sa 10 mga suspek na armado pa ng mga granada ang lumusob sa lugar.

Inako naman ng Pakistan’s Taliban o kilala bilang Tehreek e Taliban Pakistan (TTP) ang nasabing insidente.

Isang pulis at janitor ng gusali ang nasawi habang dinala naman sa pagamutan ang mga sugatang kapulisan.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos ang nasabing insidente

Dahil sa insidente ay idineklara nila ang state of emergency sa Karachi.

Mula pa noong 2010 ay itinuturing ng US na mga terorista ang Pakistani Taliban.