KIDAPAWAN CITY-Grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang itinurong suspek sa dalawang bomba na iniwan sa Cafgu patrol base sa probinsya ng Cotabato.
Ayon kay 90th Infantry Battalion Philippine Army Commanding Officer Lieutenant Colonel Rommel Mundala na unang inatake ng BIFF ang Cafgu patrol base sa Barangay Hinatilan Pikit Cotabato.
Tumagal ng ilang minuto ang palitan ng bala sa magkabilang panig.
Umatras ang mga rebelde nang matunugan nila ang mga nagrespondeng mga kasapi ng 90th IB na tumulong sa mga Cafgu.
Walang nasugatan sa mga Cafgu habang hindi matiyak sa mga terorista.
Nang magsagawa ng clearing operation ay doon na nadiskubre ang dalawang Improvised Explosive Device (IED) malapit sa patrol base ng Cafgu.
Maliban sa dalawang pampasabog, narekober din sa lugar ang isang 5.56mm long magazine; 64 na piraso ng fired cartridges ng calibre 5.56mm at pitong pieces fired cartridges of Calibre 7.62mm.
Sa ngayon ay hinigpitan pa ng militar at pulisya ang seguridad sa bayuan ng Pikit Cotabato.