-- Advertisements --
Paty ang dalawang National Guardsman matapos na sila ay pagbabarilin malapit sa White House.
Ayon kay Homeland Security Secretary Kristi Noem, nagkaroon ng palitan ng putok sa isang suspek.
Agad na naaresto ang suspek at ito ay nakakulong.
Kinordon naman ng DC Metropolitan Police ang lugar kung saan nangyari ang insidente.
Magugunitang ikinalat ang National Guards sa Washington, DC bilang bahagi ng anti-crime cracdown na utos ni US President Donald Trump.
















