-- Advertisements --

DAVAO CITY – Umaasa pa rin ngayon ang pamilya ng dalawang mangingisda na nananatiling missing simula pa ng manalasa ang bagyong Crising na nasa maayos pa rin ang kalagayan ng mga ito.

Una nang nakilala ang mag-ama na sina Ferdinand Olang, 55, at anak nito na si Glenn, 22, parehong residente sa Barangay Kinablangan, Baganga, Davao Oriental.

Nabatid na mangingisda sana ang mga ito matapos hampasin ng malalaking alon.

Ayon sa pamilya ng mga biktima, nasanay na sila na matagal uuwi ang mag-ama mula sa kanilang pangingisda kung saan minsan ay nakaabot pa ang mga ito ng Indonesia ngunit sa kasalukuyan ay wala pa silang impormasyon kung saan na ang mga ito.

Nabatid na ilang mangingisda ang una ng na-missing ngunit ilan sa mga ito ay nakauwi na sa kanilang mga pamilya maliban lamang sa mag-ama.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad.