CENTRAL MINDANAO-Nahawaan ng Sexually Transmitted Disease (STD) ng isang LGBT member na dumayo lang sa lugar ang dalawang menor de edad sa Pikit, Cotababto.
Ito mismo ang kinomperma ni Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO-Pikit) Head Grace Cadungog.
Sinabi ni Cadungog na tatlo silang magbabarkada ngunit dalawa lamang sa kanila ang kumpirmadong may sakit matapos makitaan ng sintomas.
Kaugnay nito, nagpapatuloy aniya sa ngayon ang kanilang monitoring sa dalawang 11-taong gulang na nagpositibo sa STD.
Under medication na din and isa pa nilang kasamahan.
Samantala, ikinabahala na ito ng MSWDO-Pikit dahil sa pabata ng pabata ang mga nasasangkot dahil na rin sa kuryusidad.
Nagpapatupad na ngayon ng mga hakbang ang LGU upang mapigilan na katulad ng pagbibigay edukasyon lalo na sa mga menor de edad.