-- Advertisements --
Napatay umano ng Israeli military ang dalawang senior Hamas officials.
Ayon sa Israeli Defense Force (IDF) na hindi nakaligtas sa ginawa nilang air strikes sa Gaza ang mga dalawang opisyal ng Hamas na sina Zakaria Abu Muammar at Jawad Abu Shamal na nasa Khan Yunis.
Si Shamal ay economy minister ng Hamas na sangkot sa pagpondo ng grupo.
Habang si Muanmmar ay siya namumuno sa international relations office ng Hamas na may kinalaman sa pagpaplano ng ilang mga terorist activities.
Hindi pa kinukumpirma ng Hamas ang pagkasawi ng kanilang dalawang opisyal.