-- Advertisements --
Nilusob ng mga kapulisan sa Cavite ang dalawang massage spa na nag-aalok ng extra service kaninang madaling araw.
Sinabi ni Police Lt. Col. Vicente Cabatinga, hepe ng Bacoor City Police, nakatanggap sila ng ulat na bukod sa masahe ay nag-aalok pa ng pakikipagtalik ang mga masahista sa Tirona Highway sa Barangay Mabolo III at sa Barangay Bayanan.
Nag-aalok ng P3,500 hanggang P4,500 ang mga masahistang babae at maging ang mga masahistang lalaki.
Itinanggi naman ng mga naarestong masahista ang akusasyon sa kanila na nag-aalok sila ng extra service.










