-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Matagumpay na nailigtas ang dalawang mangingisda matapos tumaob ang kanilang sinakyang kulay yellow na bangka sa karagatan ng Brgy Poblacion, sa bayan ng Cagdianao, Dinagat Islands province.

Nakilala ang mga nailigtas na sina Jamel Bularon at Teddy Bularon, parehong residente ng Manoligao, Brgy. Del Pilar, sa nasabing bayan.

Ayon sa report, pumalaot mula sa kanilang lugar pasado alas-5 nitong nakalipas na Sabado ng hapon ang dalawa papunta sana ng Brgy. Poblacion nang paghahampasin sa mga naglalakihang alon ang kanilang bangka pasado alas-siete ng gabi kung kaya’t tumaob ito.

Na-recover ang pump boat sa mga mangingisdang sina Nicolas Pejer at Bobong Acilo ug giplastar sa Purok 4 Boulevard,Brgy. Poblacion.