-- Advertisements --

Aminado si House Committee on Health chairman Angelina Helen Tan na hindi sapat ang dalawang linggong modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya para mabawasana ang bilang ng COVID-19 cases na naitatala kada araw.

Sa isang panayam, sinabi ni Tan na bagama’t halos isang linggo na nang isinailalim ulit sa MECQ ang Metro Manila at probinsya ng Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal, hindi naman bumaba ng husto ang bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 kada araw.

Nabatid na hanggang noong Agosto 8, ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala ay pumapalo sa 126,885 na, habang ang mga nasawi dahil sa nakakamatay na sakit ay umaabot naman sa 2,209, at ang recoveries ay 67,117.

Base sa records ng Department of Health, sa loob ng 10 magkakasunod na araw, mahigit 3,000 bagong kaso ng COVID-19 ang naitatala sa bansa.